I'm not at the day...
I'm not in the past...
I'm not in the future...
I'm not in the water...
I'm not in the fire...
I'm not in your World...
I'm sorry...
A Place where I'm not afraid to tell the truth in... this has been created to reflect my day-to-day life, and allow me to express my own thoughts on the things that happen. A place where I can make almost every pertinent detail of my life public...
matindi ang unos na nagdaan
ang hagupit ng hangin
ang buhos ng ulan
tila walang katapusan.
nagngingit sa galit ang kalikasan
bagamat malayo sa kapahamakan
di mapanatag aking damdamin
lumulutang ang aking isipan
hinahanap ang iyong mga mata
nagtatanong kung nasan ka na
di pala nakakatakot ang bagyo
di pala nakakatakot ang bangis ng hangin
di pala nakakadampi ang ulan
napawi na ito ng aking pag-aalala sayo
nag-aabang, sa malayo nakatanaw
naghihintay sa yong pagdating
di mapakali hangang muling kapiling ka
sa lupit ng hagupit ng bagyo
sa kasagsagan nito
naglaho ang aking pangamba
ang kaba ay napilitan ng ngiti
nang madama ko ang iyong yakap
nang mahawakan ko ang iyong kamay
ang damdamin ay nagliyab
ang kapangyarihan sa aking bisig
ay nag-uumapaw sa lakas
ito’y umiikot na parang ipo-ipo
at nakaamba na parang ahas
ang anumang bagay ay maglalaho
sa oras na dumampi sa iyong balat
at masusunog sa init ng apoy
ang damdamin ay walang katulad
nagbabadyang panganib
nakahandang suongin
hawak ka lang sa palad ko
magiging usok ang patak ng ulan
nakapagtatakang napawi ang takot
ni kaunting kaba ay di ko nararamdaman
yakap ko ang syang balabal mo
lahat ay kaya nating suongin
lahat ay kaya nating lampasan
nararamdaman mo pa ba ang takot?
ang panganib ay nawalan ng puwang sa atin
ang takot ay naikubli
ng makita ang kislap sa iyong mga mata.
kaya kong bihagin ang unos sa palad ko
at ibalik ito sa karagatan.
ipagtatanggol kita…
ilang unos pa man ang dumating.