Take A Bite!


...Stay a while... You were meant to come here. It's fate!

Monday, April 19, 2010

wala lang to

ano kaya nararamdaman mo sa tuwing umiiyak ako? ano kaya naiisip mong dahilan kung bakit ako nalulungkot? naiisip mo pa kaya na ikaw yung iniiyakan ko? naiisip mo ba na namimimiss na kita? hindi lang yung simpleng wala lang miss lang kita..kundi yung parang sa sobrang tagal nating hindi naguusap, nagbabonding...yung tipong isipin ko lang yung dati...umiiyak ako kase wala na yun? yung iiyak ako kase alam ko hindi na maibabalik yung panahon na yun? yung kahit anong gawin ko...magkaiba na mundo naten..kaya wala na talaga akong magagawa kundi tanggapin yung gusto ni Lord na mangyare...?

iniisip mo siguro, napakaiyakin ko naman...napakababaw...pero sana maisip mo na hindi lang dahil sa kababawan o pagkamaiyakin ko lang to...sana maisip mo yung lalim ng pinagsamahan natin...yung lalim ng kung anong nararamdaman ko para sa iyo...

hindi ako nabubuhay sa nakaraan. samakatuwid masaya ako sa kinatatayuan ko ngayon..ngunit kahit anong gawin nila hindi nila mapantayan yung halaga mo sa buhay ko..hindi nila magawang ibalik yung nawalang bahagi sa buhay ko..kaya nagmimistulang malungkot ako. sana wag mong isipin na pinagpipilitan ko lahat ng ito. sinasabi ko lang yung nararamdaman ko...malungkot ako kase namimiss kita. yun lang. mababaw na kung mababaw...wala naren akong pakialam sa isipin ng iba. puso ko to eh. ramdam niya kung anong gusto niyang maramdaman.



Friday, April 9, 2010

Im feeling sad... So sad all I want to do is cry...