Ano ka ngayon? nasaan yung tapang mo? Tanga ka nga. Alam mo sa sarili mo na wala ka ng magagawa. Alam mo yan tanga. Pinapahirapan mo lang yung sarili mo eh. Cheer up! Tumayo ka. Wag kang magpapako dyan sa nararamdaman mo. tanga ka kasi. Magseseryoso ka na lang ulit, sumablay ka pa. Tanga talaga.
Oo nga mahal mo siya. Alam ko din na mamimiss mo lahat ng ginawa nyo ng magkasama. Pero move on! wala na eh. ano pang pinag-iiisip mo jan? Alam mo naman yung dapat mong gawin diba? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo eh. Paulit-ulit ka na lang ganyan. Kahit anong sabi ko sa'yo, d ka na nadala. Hindi ka na natuto sa mga naranasan mo. Ngayon ano? Tignan mo yang sarili mo. Malungkot. Mukha kang ewan. Mukha kang tanga. May paiyak iyak ka pang nalalaman tangna ka!
Ano? kakausapin mo na naman siya at susubukang ayusin yung mga bagay bagay? Yan ang nasa isip mo diba? bahala ka, makulit yang puso at utak mo. Eto na yung huli kong pagsesermon sa'yo. Ewan! Bahala ka! Di ka na nadala, hindi ka na natuto. Tanga!
