Take A Bite!


...Stay a while... You were meant to come here. It's fate!

Saturday, February 20, 2010

I am a work in progress

Lubos man akong nasaktan sa mga desisyong aking pinanindigan, ngayo’y itinuturing ko na lamang isang hampas sa ulo ang nangyaring kabalintunaan. Isang hampas na talaga namang nagpagitla sa akin ng ilang buwan. Binulag ng pagmamahal na dapat ay sa aking sarili muna’y pinaramdam. Ako’y tatayo mula sa pagkalugmok. Mamahalin ang sarili at kakalimutan ang pag-ibig na minsa’y muntik ng lamunin ang aking kahinaan. Ako’y mamamahinga, puso ko’y ikukubli sa mapagsamantala. Kaya ko na ‘to, gising na sa wakas ang minsa’y isang loka-loka.

This time I’m not only moving on, this time I’ll keep moving forward, because I have to, because I had enough, because I am torn, because I am hurt, because I loved, because I am whole, because I fight for myself, because I seek for what’s right, because I deserve better, because I should be taken care of, because I am not a trash, because I should let go and set free of one thing that has been unyielding me. There’s nothing wrong in being bitter, remember, medicines usually taste bitter but it makes you well. Maraming lumipas na magagandang pagkakataon ang aking naitapon, nai-kahon at hindi na iyon maibabalik pang muli ng panahon. Sarili ko muna’y gugugulin ng pansin, ibabalik tiwala’t respeto sa sarili na nawala sa akin. Walang oras na ‘di pagyayamanin, lahat ng makapagpapabuti’y akin ng yayakapin. I don’t deserve blab-mouthing and big talking. I’m über-exhausted, for such events that became a cycle – and I need to break-free.



I just have to remind myself that I’m not half waiting to be made whole.