Take A Bite!


...Stay a while... You were meant to come here. It's fate!

Tuesday, April 21, 2009

Puerto Galera April 17 to 19, 2009


First time ko to sa Galera. Ok naman. Pero hindi katulad ng inaasahan ko nung naririnig kong mga papuri ng ibang taong nakapunta na dun. Kung tutuusin, mas maganda pa sa Puerto Azul. dun talaga napa-WOW ako!

Anyway, I had so much fun. At yun naman ang importante di ba?

Umalis kami ng Office pasado alas-3. Commute lang kami. Ako, TL Yanna, April at bf nyang si Joel, Si Red at si Belle. At sa loob ng mahigit 1 oras na byahe sa bus papuntang batangas pier alam na namin ni TL Yanna ang lovelife ng bawat isa!



At Mahigit 1 oras ulit ang mahilo-mahilong byahe sa Bangka papuntang Puerto Galera. Di naman ito first time ko na sumakay ng bangka pero first time na maexperience ko ang ganung kalakas na alon! at sa tulong ng pakikinig ng music at walang patid na yosi, nakarating din ako ng Galera ng hindi nasuka!



pagkatapos naming makahanap ng mejo mura murang matutuluyan,e naghanap naman kami ng masarap na makakainan. Sagot ni Tl Yanna! hehehe!






At ano pa nga ba ang susunod na pwedeng gawin? Tattoo Galore!

Naglibot at Uminom at Naligo sa dagat na parang tubig baha-- hahaha. Yun ang ginawa namin nung unang gabi sa Galera.

Kinabukasan, dumating sina Yna At Kate. Sumunod din si Akee. Nakasama rin namin si Dinky (GF nyang si Nina e andun din sa Galera dahil sa trabaho nya).

Kumain, Maglibot, Uminom, Maligo at Uminom pa ng Uminom! Sa loob ng 3 araw, puro yun ang ginawa namin!



We party hard! At nakakatuwa yung mga bading na sumayaw ng Single Ladies! badtrip lang yung mga lasing na ginawang dance floor yung upuan namin! Well, nakaganti naman ako by using their clothes as "basahan"! wahaha!

Gugustuhin ko pa din sigurong bumalik dun.. dahil sa ambience, dahil sa Mindoro Sling, dahil sa Videoke, dahil sa bading na sumayaw ng Single Ladies, at dahil Lakwatsera ako! Yun Yun!